Thursday, November 25, 2010

I'm sorry Nay! I'm sorry..




Tanginang facebook friend nitong si Jomar puro porno videos mga nakapost, kababaeng tao.
Shithead talaga mga Asian bitches..

Hindi ko tuloy maiwasang manuod..
at manuod...
at manuod ulit..
Yung isa corney, yung isa walang kwenta..

Isang araw humarap ako sa server na computer na to, pagkabukas ko ng site ng facebook nakita ko kaagad ang eksenang hindi pambuong pamilya.. shit. Pero hindi dito iikot ang kwento.

Closing time na, pero medjo nalibang ata ako sa kakapanuod, muntik pa akong makita.
Kung sa bagay eh ano. Ang tunay na lalake natural lang na nakikitaan ng porno materials!
Naisip kong umuwi na, baka umagahin pa ako dito.


Hindi sa porn iikot ang kwento..

Pag nakikita ko yung C.R. napepeste ako.
Something's magnetic ang C.R.
Dahil sa videos kanina?

Hinatid ko yung pera sa boss ko, nagpaalam.. Biglang sumakit ulo ko.. (Yung may utak)
hindi ko alam.. Hindi kaya isa akong living kring-kring?!
Hindi naman ata..

Hindi sa porn iikot ang kwento..

Gusto ko ng umuwi, gutom ako pero ayaw kong kumain.
Ayokong kumain pero gusto ko ng kwek-kwek..
Gusto ko ng kwek-kwek pero mas gusto kong umuwi..
Bigla ko nalang din naisip.. Ganoong kabilis..

...

"Sasabihin ko na kela nanay--"

Hindi sa porn iikot ang kwento..

Nilalakad ko lang naman mula sa trabaho papunta sa bahay, bukod sa malapit lang naman, makakapagyosi pa ko bago umuwi, na hindi ko din ginawa pagkalabas ko ng trabaho.

"Kaya--?"

Bigla kong tumigil sa paglalakad patungo sa direksyon papuntang bahay..
Bumalik ako, pumara ng kalawanging Jeep na may signboard na "Marikina Tropical"
Matanda ang drayber.. Kunduktor eh bata na sa tingin ko anak niya..

Hindi sa porn iikot ang kwento..

"Boss jan lang sa gitna... Estudyante!--"
Isip siguro ni manong na talagang ginagago ko sya dahil naka 3/4 shorts ako..
tae, tatlong piso sinukli sakin.. talagang alam nya na ginogoyo ko sya!

"dyan lang sa Gitna boss yung sampu.. Estudyante!--"

Tumawa naman yung mga katabi kong Hayskul students..

Tangina nyo hindi ako nakikipag-lap trip sa inyo mga putangina nyo!
Mag-aral kayo!--

Nagiisip habang nakayuko.. pinipisil ang cellphone kong tutubuan na ata ng talaba..
Sana hindi masyadong mabigla sila nanay.. Sana walang mangyaring masama..
Etong punyemas na jeep na to mas mabilis pa ata akong tumakbo sarap sakalin ng drayber!!
Lahat na ata ng nasa gilid ng kalsada paparahan.. Meet the jeepney pentium 1!

Hindi sa porn iikot ang kwento..

"boss! Para.." tangina naman po lampas na ko!!

Hindi ko nasabi, nitong mga akaraang araw sa taniman na natutulog sila nanay at tatay.
Hindi ko alam kung bakit pero sabi nila nakakapagod maglakad pauwi.
Oo nga naman.

Madilim yung kalsada papasok nung subdivision, pero hindi ako natatakot na biglang may tumakip sa bibig ko at turukan ako ng pampatulog.. at biglang magising sa isang lugar na puro kalawanging bakal..
Wala sa Pilipinas ang idol ko na si John Kramer a.k.a The Jigsaw!



Hindi din sa "SAW" iikot ang kwento..

--Anong una kong ieentrada..?
Praktis.. Umuurong bayag ko.. Hinde ang Tunay na Lalake hindi takot magpahayag!
Napadaan ako sa pinakamadilim na parte ng kalye.
Biglang nagliwanag dahil sa ilaw ng Streetlight.
Kung makikita mo lang, parang sa sine.. Mula sa madilim biglang lumiwanag, sana nakita nila tatay yun para sabihin nilang "Ok ang entrance ko". Umilaw nga ang naghihingalong ilaw.
Kamot ulo ako.

Eto na ang cyclone wire na bumabakod sa taniman, na binabalot din ng mga ligaw na weeds at bataw.. Hindi ko makita kung may tao ba o wala.
Kaya nag"tao po" nalang din ako.
Si tatay ang sumagot, naaaninag ko sya kahit madilim. Sa kamalig lang sila natutulog.

Dito na magsisimula ang shit!..

"Bakit pumunta ka dito"..

hindi ako makapagsalita shit! --(nanginginig) uhmn.. wala.. may sasabihin lang ako..
Hindi na ko magpapabullshit-bullshit(paligoy-ligoy) may problema ako 'tay..

"Ano nga!?"

nanginginig parin --Si Abby, uhmn may problema kami ni Abby..

"Tangina, ano nga? (sa malumanay na boses) .. Nandyan ba sya?!"

--Wala, nasa Q.C.

"ano ngang problema (ang dami mong shit)"

--Si Abby positive..

"Anong..? ha?"
--Positive si Abby, buntis si Abby (wasak na boses ko)

"Yan na nga ba sinasabi ko sa inyo dati pa lang eh" (sa malumanay paring boses)
"Hamo.. nandyan na yan.. ano pang magagawa mo..!"

--Nay,... tinawag ko sya.. pero ayaw nya kong sagutin, kailangan pang dalwang beses kong gawin..

"Nakikinig ako, naririnig kita"
Hindi ako nagsalita..

--wag nyo na akong pagalitan.. wag nyo ng awayin si Abby..
"Bakit aawayin? Ipagpaalam mo na yan sa kanila, at dalhin mo na sa bahay. Mahihirapan lang yun don.. Ano nga plang sinabi nung magulang nya?"(malumanay parin si tatay)

--Wala naman, sabi lang ipaalam ko narin daw sa inyo. Wala naman daw silang ano (shit) samin, basta daw magplano kami, tapos magpakasal daw.. Pero.. Wag nyo muna kaming obligahin magpakasal ah? May plano kami.. Ayoko naman na dahil lang don kaya kami papakasal.. Mali yun..

"Hindi naman kaagad eh.. Maghanap ka ng matinong trabaho. Magipon kayo.. Si abby ba pumapasok pa? "
--mahirap magsinungaling sa oras na to pero... Oho, pumapasok pa sya..

"Maigi yan, dalhin mo na sya dito.. Kunin mo yung gamit.. ipagpaalam mo. Dun mo na patirahin sa bahay.. aayusin ko kwarto nyo"

Mahabang sandali ng katahimikan..

"Umuwi ka na at matulog.. Maaga ka pang papasok bukas.."
--So, dito kayo matutulog? Dito na kayo titira?! Hindi naman pupwede ata yun?! Alangan naman dun kami tapos dito lang kayo titira?

"Uuwi din kami don pag kailangan.. Mahirap magpabalik-balik dun, atleast dito nakakapagrelax kami. Tahimik pa."
--WTF.. lalamigin lang kayo dito.
Hindi ko narin alam sasabihin ko pa, gusto kong magsorry kay nanay, alam kong malaki disappointment nya sakin..

Tahimik lang siya dun sa madilim na parte ng kamalig nilang tinutulugan. Hindi sya nagsasalita, naririnig ko lang yung pagsinghot nya. Malamang umiiyak yun. Hindi normal na hindi sya magsasalita. Kaya, nadudurog ang puso ko.
Alam kong ako lang inaasahan nitong mga to, ako pa nagpabigo sa kanila.
Ang laking shit!

--Nay, 'wag nyo ng kagalitan si Abby ah?
(garalgal boses ni nanay) "Bahala kayo! Malalaki na kayo, kahit naman sinong babae eh, ikaw bahala, marami na kaming problema. Wag nyo na kaming paproblemahin pa.."

"Dalhin mo na sya sa bahay ha? Baka nahihirapan lang yhun doon, mahirap yung magkalayo kayo, mapapagastos lang kayo pareho.. Sige na umuwi ka na.."

Hindi ko alam kung pinapaalis na nila ko bago pa nila ko tagain, o bago nila maisipang ilibing ako sa kasukalan dun. Pero dahil wala narin akong masabi, at alam kong nasabi ko na yung dapat kong saihin na dapat din nilang malaman, naisipan ko nalang magiwan ng mga huling shit..

--Sinabi ko na kay ate Tina, Alam narin nya.. Pinagalitan nya ko.
Sabi ko keysa naman ipa-abort namin, hindi naman ako gago.
Ayun, sabi nya bobo ako, when in fact tama sya..

--Nagkachat kami ni ate.. Pinapagalitan pa 'ko.
Pero nung sinabi ko na "alanganamang ipaabort" tumutol din sya. Kung sila nga daw ng asawa nya nahihirapang magkaanak. Kung ipapa-abort daw sakanila na lang.. (Ano yun aso?)
--Ang point ko lang kasi Tay, andyan na nga eh diba? Oo, mali ginawa namin, masyadong maaga.
Eh nandyan na, kung ipapa-abort masama. Ibig sabihin, wala ibang shit kundi panagutan.
So bakit kelangan pang-i-pressure kami? Para saan yung sobrang paninisi, o pagpapagalit?
Bakit hindi nalang kamiintindihin..

"Anong nahihirapan sila magkaanak?"
--ewan, nahihirapan daw eh..

"Eh pa'no pareho silang mataba, ang lalakas pang magsi-inom.."
--Hindi pa para sa kanila..

"Oh umuwi ka na, matulog ng maaga't may pasok bukas.. Uuwi kami ng hapon, sa bahay nalang tayo mag-usap-usap.."

--Tutuloy na 'ko.. Wasak na wasak ako eh.. Una na ko.. Tinawag ko ulit si nanay..
--Nay.. Una na ko..

--'Wag nyo nalang munang ipaalam dun sa panganay, ayokong makakarinig sa shit sa kanya..
Oh baka magsalita salita yun sa bahay ng nandun si Abby baka awayin ko lang sya.. ha?

"Umuwi ka na.."
--Sige ho..

Pagkatapos nun, hindi na sila nagsalita.. Naglakad na 'ko palabas ng taniman.. Tinitignan ko sila habang sinasara yung cyclone wire na gate..
tapos tumalikod na ko..


Bukas yung street light.. Hindi katulad kanina nung papunta ko na nakapatay, mas lumiwanag yung daan ko pauwi. Kita ko na yung daan..
Isa lang nasa isip ko, habang nakangiti.. Kung dumating ako dito at bigla syang nagliwanag, dapat pag-alis ko mamamatay kang ilaw ka..
1...2...3.. Sana mamatay yung ilaw para maganda entrance at exit ko..

Pagkatapat na pagkatapat ko... Namatay ang street light! Goose bumps! Kinilabutan ako sa ganda ng eksena. Ngumiti, at ngumiti.. at ngumiti! Ang galing naman sabi ko.. Kinumpleto ng street light ang pagluwag ng pakiramdam ko sa gabi na 'to..



No comments:

Post a Comment