Friday, February 25, 2011

Alaala ni Totoy Putik at ni Roxie

marami kong gustong isulat pag nasa bahay ako kaso inuunahan ako ng isipin para sa kinabukasan dahil may pasok.

Yan yung chinat ko kay Roxie dalwang segundo na ang nakalilipas, kaibigan o acquaintance whatsoever.
Hindi ko narin mahalukay kung pano kami naging chatmates sa FBook, basta ang naaalala ko..
masama ang loob nitong tao na to sakin nung college days.

Ako kasi dahilan kung bakit nagkahiwalay sila ng gago kong tropa na si Totoy Putik,
kung ano mang iniisip mo na dahilan kung bakit sila nagkahiwalay eh mali ka..

Flashback de pungal.
Nung college days, isa ko sa binigyan ng talento sa paggamit ng Adobe Photoshop.
Pero magugulat ka na halos Blur tool lang ang alam kong gamitin noon haha.
Sakin sila nagpapagawa ng project dahil alam nila na napaka-easy to get kong tao.
Bibigyan ako ng Cup cake, Sky flakes, minsan Egg sandwich at pag minamalas softdrinks.
Swerte kung may magbibigay ng pang bisyo.

Magdadaldalan sila sa labas ng computershop tapos bibigyan ako ng suhol, ngayon ako ang sasalo ng lahat ng traffic nila..
Tapos ok lang sakin kasi naka-benta mode yung account ko dati sa ran.
(maraming paligoy ligoy?)

Nagpagawa si roxie nuon sakin g project nila (sa totoo lang hindi ko sya kilala o kaklase nuon)
mga pictures un ng individual na mga kaklase nya tapos i-eedit at gagawing class picture.
badtrip din yung instructor namin don, sarap sapakin papahirapan pa mga studyante sa mga ganung shit.
pero oks lang may natutunan naman, so balik tayo sa dahilan :

Gutom na ako non, dahil hindi sapat ang cup cake (na tropa ko din ang kumain pagkabigay ng ibang mga chicks na nagpagawa) at sky flakes na pinaghatihatian din ng mga tropa kong busy sa pag rerecruit ng magpapagawa para may malamon ang tropa.
So, badtrip na ko. Dibale na ang pagod tangina wag lang ako gugutumin papatay talaga ako.
Pinapili ko sya ng design, ngayon, ang boyfriend nya (na malapit na malapit sa kilikili este puso ko) ang pumili ng background.
Simple.. Hindi nya nagustuhan... at hindi ko din nagustuhan ang naging reaction nya sa ginawa ko na pumasa naman sa lahat ng tumingin.
Na badtrip din ako. Tapos nagbreak na sila kinahapunan.

Lahat ng bigat ng shit nilang dalawa parang naibaling ata sakin ng mga tropa ko. Olats ako sa usapan nung gabi na yon.
na dahil sakin. hindi ko alam. Mahal na mahal din kasi ko siguro nung kaibigan kong iyon, nasabi nya sakin kinahapunan nung naginom kami na dibale na lang daw keysa mawala pa ang isang kaiigan na tulad ko. Nung hapon ding yon natuto akong humagikhik habang lumuluha at umiinom ng alak na walang pulutan.

Siguro naman nakalimutan na nila. At ito ipapa alala ko pa. KApatawaran nalang din.
Pare-pareho kaming mga jarhead muna nuon hanggang ngayon.

--Para kay Roxie