Thursday, June 30, 2011

THE LEGEND

You may not be her first, her last, or her only.
She loved before she may love again.
But if she loves you now, what else matters?
She's not perfect - you aren't either, and the two of you may never be perfect together.
but if she can make you laugh,
cause you to think twice, and admit to being human and making
mistakes, hold onto her and give her the most you can.
she may not be thinking about you every
second of the day, but she will give you a part of her that
she knows you can break - her heart.
So don't hurt her, don't change her,
don't analyze and don't expect more that she can give.
Smile when she makes you happy, let her know when she makes you mad,
and miss her when she's not there..


-BOB MARLEY

Tuesday, June 28, 2011

TOTOY MATIS IN DA HAUS!


Minsan lang namin makasama sa Inuman tong si Daryl a.k.a Totoy Matis. Hindi ko akalaing may itatagal na sya ngayon sa alak, di tulad nung college days na dalwang shot palang eh uuwi na.
Salamat sa oras kapatid! Mabuhay si Matis!

Monday, June 27, 2011

NANAY AND TATAY IN DA HAUS!


Digs..?!

Saturday, June 4, 2011

I'd like to keep on walking, on the road to ZEON


Hindi ko alam na magiging sobrang nakakapraning na makita ang asawa mo na hindi makalakad dahil daw sa sakit ng tyan nya. Oo, due date na nya eh. May 18? Pero aasa ba ko sa Ultrasound? Hinde, baka kamo false alarm lang. Kaya matapos kong pahirapan ang asawa ko sa paglalakad paikot sa loob ng bahay, minarapat ko naring magtawag ng tricycle para ipa-check up kung manganganak na nga talaga sya.
Sa Lying-in clinic, pagkatapos nyang i-BP. Hindi na kami pinaalis dahil good to go na nga daw si Abby, ako, nakangiti lang habang binubulungan ko si Abby ng pampalakas ng loob "Bige, sabi nila yun na daw ang pinakamasakit na shit na dadanasin ng isang babae, good luck.. Kung me kailangan ka text mo ko".. Na sinagot naman nya kaagad ng malumanay na sampal.
Hindi ko na maipinta yung mukha nya kaya hinatid ko na sya sa delivery room.
Nag-iwan nalang ako ng shit kay Abby, kung sakali may kung anung mangyaring wala sa plano namin. Saka ko lumabas para bilhin yung mga kelangan, na wala sa mga hinanda namin.

"Yosi Brad!?" , bakit ba itong mga cashier ng Mercury Drugs eh laging masungit!? Sarap sapakin ng putangina, praning ka na nga, nagmamadali ka na nga, badtrip pa tong mga tao na'to! Siguro kelangan na nila ng asawa na magpapaligaya ng buhay nila, magpapasigla ng kanilang sex life ng bumait bait. langya naman gusto nya atang sa kanya ko isaksak yung mga binili kong baby oil at shaver!! Pawis na pawis na ko sa init ng araw, ang walang hiya ko namang puso walang tigil sa pag pa-pump ng mga shit, "gimme some light here!!!"
Nang maihatid ko na lahat ng shit, pinatambay na ko sa labas kung san lahat ng tao eh parang nakatingin sakin : "Ooh, tignan mo si kuya, kabado hihi" -- Lul! pak yu! Minarapat ko nalang basahin yung dala dala kong aklat na hindi ko alam kung pambakla ba o sakto lang sa makalalakeng emosyon. Ang tagal ng walang hiyang doktor!
Alas syete kami pumunta dun.. anung oras na, ilang oras ng naghihirap si abby, ilang oras ng nanginginig sa kung ano tong kamay ko. "Yosi Brad?!" -- Tengena, nasan na yung mga tropa kong tinext ko para samahan ako saglit? andun, sa bahay nila.. Nanunuod ata ng cartoons. Oks lang, tanggap ko naman na bukod sa Alak eh interes lang sa chicks ang pagsasaluhan namin, hindi ang paghihirap ng isat-isa. Balang araw ako naman ang magshe-share ng ganun sa kanila. Tanggap ko na yun..

Ang magaling nating doktor, dumating ng alas dyies.. Sya pala yung nakasakay sa puting kotse, sarap sipain ng walang'ya. Anung oras sya kinontak ng mga nurse? Ang aga-aga! Tapos ngayon kakarating lang nya!? Sarap tirisin! Kaso nasa kamay nya buhay ng mag-ina ko. Hindi nagtagal nakita ko ng nagsisigalawan ng mabilis tong mga nurse natin. Lalo tuloy akong na-paranoid ang puta! Wala akong matanungan, wala kong makausap, nawawala konsentrasyon ko sa pagbabasa, edi naghintay nalang ako.
May umiiyak na baby. Ayokong pakasiguro.. Nasa Lying-In clinic kami. Maraming baby dun, pero shit talagang lakas ng kaba ko. Wala pang lumalapit sakin para sabihing puntahan ko na yung dalwa sa delivery room. Wala.. Oo! Kung wala ngang nagtanong sakin na "nanganak na ba asawa mo?" eh baka hanggang sa oras na ito ay hindi ko pa alam na nanganak na pala si abby. Tengeneng yen!! Salamat kamo sa mga lalakeng nakatambay dun na nag mabuting loob na kausapin ako. "Ha? eh kanina pa yun eh, sigurado ko nanganak na yun! may umiiyak pa.. Nanganak na yun".

Ate nanganak na po ba asawa ko? -- Ah! oo kanina pa!
Pwede ko na ho bang puntahan? --Oo sige!
Pak yu! kanina mo pa ko nakikitang nag-aalala dito tapos ngayon mo lang sasabihin yan? Sikuhin kita eh!
Pag dating sa loob, si Abby agad ang nakita ko, hindi pa sya nalilipat ng kama, andun parin sya sa (kung ano man tawag dun) Tulog, sure naman akong buhay sya.
Hindi ko lang alam kung sino unang pupuntahan ko, masyado kong na-stun.. Humiwalay na ang baby ko sa Abby ko. Andun sya, magang-maga, nasa ilaw.. Nananahimik. Eto yung anak ko.
Eto yung 9 months na dinala ni Abby, eto yung walangyang simisipa sa mukha ko pag pinapakinggan ko tyan ni Abby. Parang, pano ka nagkasya sa tyan ng mama mo?!


Tapos biglang namulat yung mata nya nung hinawakan ko sya. Hindi kaya masyado ka pang maaga para magmulat ng mata? Biglang pumasok yung assistant ng doktor.. Yung mabait na manang ; Mabait asawa mo, yung iba, talagang minumura na yung doktor. Sya bukod sa tinataboy nya yung pagkakahawak namin, wala na syang ginawang iba. Pero normal yung ganung reaksyon. Mabilis lang sya nanganak.

**Isip isip ko dapat minura ni Abby yung doktor makaganti man lang

Ate lalake ho ba ang anak ko? -- Ah oo, Swerte mo, lalake agad, iwan ko muna kayo, tawagin nyo nalang ako pag me kailangan kayo ha?

Sa awa ng diyos, nakaraos din si Abby, Yun nga lang talagang wala syang lakas para magsalita o kung anu man. Pagdating ng hapon nagsidatingan ang version ko ng 3 Kings na tinawag ko nalang na Tatong kups.. Pagdating ng gabi lalo kong naging busy kahit umuulan. Ako runner nila sa mga kailangan na shit bakit naman paisa-isa. Ang layu-layo ng bahay para lakarin o takbuhin!
Pero kailangan.
Bago kami makauwi sa bahay dala ang aming bagong crib midget, talagang kailangang harapin ang pinaghandaan namin ng ilang bwan. Hindi si Zeon kundi ang Hospital Bills! Dahil bukod sa napaka walang kwentang kausap ng sistema ng company ni Abby tungkol sa maternity shit, wala rin kaming naasahan sa SSS dahil kung san san pa kami gustong papuntahin nung kumpanya nilang ayaw nalang amining hindi nila hinuhulugan lahat ng benepisyo nila.
Sa awa ulit ng dyos, sumapat ang ipon.. Jah bless!!

Talagang dadating ako sa conclusion, na bilang isang Tunay na Tatay... Le'zzz Partey!! Shot na!